Sektor ng Ekonomiya
Madalas nating naririnig na patuloy na bumababa/tumataas ang ekonomiya. Ngunit, alam nga ba natin kung ano ang ibig sabihin ng 'ekonomiya'? Maaari nating sabihin na ito ang sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.
May tatlong pangunahing sektor ang ekonomiya. Ang mga ito ay ang sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod.
Sektor ng Agrikultura
Ang agrikultura ay isang agham na may kinalaman sa pagkuha ng mga hilaw na materyales na mula sa likas na yaman.
Subsectors:
* PAGHAHALAMAN
* PAGHAHAYUPAN
* PANGINGISDA
* PAGGUGUBAT
* PAGHAHAYUPAN
* PANGINGISDA
* PAGGUGUBAT
Ano nga ba ang kahalagahan nito?
* Ito ang pinanggagalingan ng dolyar.
* Ito ang pinagmumulan ng hilaw na materyales.
* Dito nanggagaling ang ating mga pagkain.
* Ito ang pinagmumulan ng hilaw na materyales.
* Dito nanggagaling ang ating mga pagkain.
Sektor ng Industriya
Dito, pinoproseso ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura para mas mapakinabangan ng tao.
Subsectors:
PAGMIMINA *
KONSTRUKSYON *
ELEKTRISIDAD AT GAS *
PAGMAMANUPAKTURA *
KONSTRUKSYON *
ELEKTRISIDAD AT GAS *
PAGMAMANUPAKTURA *
Ano nga ba ang kahalagahan nito?
Ito ang gumagawa ng mga produktog may bagong anyo at halaga. *
Nagbibigay ng hanapbuhay. *
Pinanggagalingan ng dolyar. *
Sektor ng Paglilingkod
Ito ang nagbibigay ng iba't ibang serbisyo-serbisyong pampamayanan, panlipunan, o personal- sa mga konsyumer.
Subsectors:
* TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON
* KALAKALAN
* PANANALAPI
* REAL ESTATE
* KOMERSYO
* INSURANCE
Ano nga ba ang kahalagahan nito?
* Tinitiyak na nakakarating sa konsyumer ang mga produkto mula sa agrikultura at industriya.
* Nagpapasok ng dolyar.
* TInitiyak na maayos ang pag-iimbak, nagtitinda ng kalakal, at iba pa.
Ngayon na alam na natin ang tatlong pangunahing sektor ng ekonomiya, alamin naman natin ang mga SULIRANING kinakaharap ng mga ito.
Sektor ng Agrikultura
Nakakalbo ang kagubatan para magpatayo ng mga subdivision at kung ano ano pa. |
- Mataas na gastusin sa renta sa lupa, renta sa mga kagamitan, patubig, abono, at marami pang iba.
- Ang pagkakaroon ng El Nino, La Nina, malalakas na bagyo ay lubhang nakakaapekto rito.
- Ginagawa nang industrial complex, residential area, golf course, pasyalan, at marami pang iba ang mga lupang agrikultural.
- 'Di masyadong natututukan ng pamahalaan ang sektor na ito. Maliit ang pondong nilalaan para sa pagsasaliksik at sa paggamit/pagbili ng mga makabagong teknolohiya sa sektor na ito.
- Ang malawakang polusyon ay nakakaapekto rin sa sektor na ito.
- Pagkakalbo ng kagubatan.
Sektor ng Industriya
Nasasayang ang pera sa mga white-elephant projects |
- 'Di sapat ang kapital para matugunan ang malaking gastos sa produksyon.
- Maraming mga white-elephant projects o mga proyektong wala namang pakinabang ang pamahalaan.
- Kulang ang mga hilaw na materyales
- Malayang pagpasok ng mga dayuhang produkto.
- Kulang ang suporta ng pamahalaan.
Sektor ng Paglilingkod
- Kontraktwalisasyon
- Brain drain o ang pagkaubos ng mga manggagawa dahil sa pagpunta sa ibang bansa
- Mababang pasahod sa mga trabahador
- Pagkakait ng mga benepisyo sa mga manggagawa
- 'Di makatarungang pagtrato sa mga trabahador
Ang mga suliraning ito ay nakakapagpabagal sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Dapat ay may gawin tayong SOLUSYON at aksyon.
- Dapat ay tutukan ng pamahalaan ang bawat sektor at suportahan ang bawat isa. Maaari silang gumawa ng mga reporma. Gaya na lang ng mga nasimulan ng reporma sa agrikultura. (Agriculture and Fisheries Modernization Act; Kalahi Arzone; MAGKASAKA; NARRA; NARIC, etc.)
- Suportahan ang mga ginagawang programa ng pamahalaan at iba pang organisasyong makakatulong sa bawat sektor at makilahok sa mga ito.
- Magsikap tayo at huwag lamang umasa sa dasal at gobyerno.
- Tangkilikin ang sariling atin.
- Magtakda ng price control.
~Benepisyo
Kung magiging 'aware' tayo sa nangyayari sa ating ekonomiya, matutulungan natin ito sa pag-unlad. Dahil sa blog na ito, mas naiintindihan natin kung ano nga ba ang ekonomiya. Nalalaman natin kung ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga sektor ng ekonomiya. Nalalaman din natin ang ilan sa mga paraan ng pagtulong natin sa pag-unlad nito. Naipapakalat natin ang mga isyung dapat na alam nating lahat. Nalalaman natin ang mga nagawa na at mga resulta nito at mga dapat pa nating gawin.
Sanggunian:
- http://www.answers.com/Q/5_kahulugan_ng_ekonomiya?#slide=4
- https://www.scribd.com/doc/11554196/Mga-Sektor-Ng-Ekonomiya-Agrikultura
- https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-22-sektor-ng-industriya
- https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-23-sektor-ng-paglilingkod
- google images
- http://www.answers.com/Q/5_kahulugan_ng_ekonomiya?#slide=4
- https://www.scribd.com/doc/11554196/Mga-Sektor-Ng-Ekonomiya-Agrikultura
- https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-22-sektor-ng-industriya
- https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-23-sektor-ng-paglilingkod
- google images
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento